
Bata pa lang ako, hindi mo na ako masyadong pinalalayo sa’yo kaya nung natuto akong maging mas malaya, kabado pa pero alam ko nandyan ka lang, umaalalay. Galit ka pag nasasaktan ako pero alam ko mas una kang nasasaktan dahil may nagpaiyak sa iyong unica hija. Kahit medyo lolo ka na (at kung gusto mo na talagang maging lolo, magsabi ka lang), hindi ka pa rin nawawala sa lahat ng mahalagang pangyayari sa buhay ko. Alam kong hindi madali maging ama at asawa, maraming beses tayong nadapa. Pero masaya ako dahil ikaw pa rin ang nag-iisang “Panget” sa buhay ko, at ako pa rin ang baby mo.Happy father’s day, Papa! Mahal na mahal kita!